Ang tawag sa isang lugar kung saan naganap ang isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan.
RIZAL SHRINE SA CALAMBA
Itinuturing na makasaysayan ang Rizal Shrine sa Calamba, Laguna sapagkat dito lumaki si Dr. Jose Rizal.

RIZAL SHRINE SA DAPITANMatatagpuan sa Zamboanga del Norte. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanyol dahil sa isang kasalanang ibinintang sa kanya.

FORT SANTIAGONasa Intramurros, Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa Bagumbayan ( Luneta)
RIZAL PARK-
Matatagpuan sa Luneta sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Espanyol si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.

RIZAL PARK-
Matatagpuan sa Luneta sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Espanyol si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.

AGUINALDO SHRINE Sa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898. Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataun. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit.

PUGAD-LAWINMatatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Dito naganap ang makasaysayan Sigaw sa pugad lawin noong ika-23 Agosto 1896.
KRUS NI MAGELLANSa Lungsod ng Cebu matatagpuan. Isang replikan nalamang ang makikitasa loob ng gusali. May walong dingding o hugis octagon.
PALASYO NG MALACANANGMatatagpuan sa Maynila. Ito ay opisyal na tirahaan ng Pangulo ng Pilipinas. Itnayo ito noong panahon ng pananakop ng mga Espanyo.
SIMBAHAN BARASOAINMalolos Bulacan matatagpuan, Sa Simbahang ito unang nagpulong ang mga hinirang na kinatawan sa Kongreso ng Malolos noong ika15 ng Setyembre 1898. Dito Binuo ang saligang batas ng Malolos sa pamumuno ni Felipi Calderon.
CORREGIDOR
Sa isang pook ng look ng Maynila ang Corregidor, ito ay sakop ng Cavite. Naging tangulan ito ng mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa. Ang mga sundalong Pilipino at Americano ay magkasamang lumaban sa mga sundalong Hapones. Ipinamalas nila ang kanilang tapang at galing sa pakikipaglaban.
DAMBANA NG KAGITINGANSamat Bataan. Isang malaking krus.Ito ay itinayo bilang parangal sa mga sundalong Pilipino at Amerikanona lumaban sa mga Hapones noong ikalawang Digmaan Pandaigdigan.
EDSA SHRINE
Makikita sa Edsa Shrine sa panulukan ng Ortigas Avenue at Edsa. Nakaharap ang dambana sa Edsa.
Mga Halimbawa ng Replika sa Pilipinas
![]() |
| Replica of the Jose Rizal House in Nayong Pilipino sa Clark Expo (Pampanga) |
![]() |
| Replica of Barasoain Church Nayong Pilipino sa Clark Expo (Pampanga) |




