Likas na
yaman (Natural Resources)
Ang ating kapaligiran sa ating kalikasan ay nagtataglay ng mga bagay na may malaking halaga. Ito ang mga itinuturing na likas o natural na yaman ng bansa. Halimbawa rito ay ang mga kabundukan, karagatan, kagubatan, mga lawa, ilog at pati na yaong mga mineral na mahuhukay sa ilalim ng mga lupa. Maituturing na ang mga likas na yaman ay ang mga bagay na bigay o likha ng Diyos bilang pamana sa tao.
Mga Uri ng Likas na Yaman
Yamang Lupa
Sa lupa na ating pinagtataniman ay nakakapag-ani tayo ng mga sari-saring bagay na makakain. Ang lahat ng mga produkto ng agrikultura tulad ng mga palay, gulay, prutas ay hango sa ating mga pananim sa kalupaan na maaring maipakangalakal sa iba. See, Mga Produkto Sa Bawat Rehiyon ng Pilipinas; Mga Anyong Lupa
Yamang gubat
Ang halimbawa ng ating yamang lupa ay mismong ang ating mga bundok, kagubatan, talampas, burol, at ang mga lupain sa kapatagan at lambak na lugar. Sa ating mga bundok tayo nakakakuha ng mga troso na gingawang mga tabla at mga plywood na ginagamit sa pagpapatayo ng mga bahay. Ang papel na ating ginagamit sa pag-aaral pati na ang mga libro ay nagmumula sa mga puno na kadalasan ay hinahango sa mga kagubatan. May mga dagta rin sa puno na pinagmumulan ng mga materyales sa paggawa nga mga gulong ng mga sasakyan.
Yamang Tubig
Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang 338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa. See, Mga Anyong Tubig;
Yamang Mineral
Ang mga mineral sa ilalim ng lupa na minimina natin tulad ng mga ginto sa kabundukan ay malaking bahagi din ng ating mga likas na yaman sa Pilipinas.
♣Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.
♣Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di metalikong mineral
Yamang Tao
Ang mga Pilipinong lumalabas ng bansa upang magtrabaho ay kinikilala sa kanilang mga angking husay at sila rin ay maituturing na yaman ng bansa. Ang paglisan ng ating mga yamang tao ay nagdudulot sa ating bansa ng tinatawag na "brain drain". Ang taglay na potensyal ng mga tao upang mapaunlad ang ating bansa ay nagmumula sa ating maayos na pangangasiwa sa karunungan at interaksyon ng mga tao.
Labels: mga likas na yaman sa asya, likas na yaman sa pilipinas, mga likas na yaman ng asya, mga likas na yaman ng pilipinas, mga likas na yaman ng bansa, mga likas na yaman sa pilipinas, likas na yaman sa timog asya, likas na yaman ng hilagang asya, larawan ng likas na yaman, likas na yaman sa hilagang asya, pangangalaga sa likas na yaman, likas yaman kahulugan, mga larawan ng likas na yaman, mga likas na yaman sa silangang asya, pangangalaga ng likas na yaman, kahalagahan ng likas na yaman, likas na yaman sa kanlurang asya, kahulugan ng likas na yaman, likas na yaman sa timog silangang asya, likas na yaman ng timog silangang asya, mga uri ng likas na yaman, matalinong paggamit ng likas na yaman, mga likas na yaman sa timog silangang asya, likas na yamang gubat, slogan tungkol sa likas na yaman, likas na yaman ng ilocos region, likas na yaman na di napapalitan, likas na yaman english, likas na yaman in english, likas na yaman ng dagat