Quiz: Timog Asya
Panahanan
Anong uri ng tirahan ang karaniwang matatagpuan sa Bhutan?
- a) Tirahan na gawa sa kawayan
- b) Tirahan na makatatagal sa malamig na klima
- c) Tirahan na gawa sa bato
- d) Tirahan na gawa sa kahoy
Anong mga materyales ang ginagamit sa paggawa ng mga tirahan sa Bangladesh?
- a) Kawayan, semento, at kahoy
- b) Luwad, kawayan, o pulang ladrilyo
- c) Bato, ladrilyo, at bakal
- d) Palapa, kawayan, at putik
Agrikultura
Saang bansa tanyag ang pagtatanim ng opyo?
- a) India
- b) Pakistan
- c) Sri Lanka
- d) Afghanistan
Alin sa mga bansang ito ang may malaking reserba ng karbon?
- a) Bangladesh
- b) Pakistan
- c) India
- d) Nepal
Saan matatagpuan ang mga gubat ng bakawan?
- a) Sri Lanka
- b) Pakistan
- c) Afghanistan
- d) Bhutan
Alin sa mga bansang ito ang hitik sa puno ng mahogany at iba't ibang uri ng palm wood?
- a) Bangladesh
- b) Nepal
- c) Sri Lanka
- d) Afghanistan
Ekonomiya
Pang-ilan ang India sa pinakamalaking reserba ng karbon sa buong mundo?
- a) Una
- b) Pangalawa
- c) Pangatlo
- d) Pang-apat
Anong mga likas na yaman ang matatagpuan sa Bangladesh?
- a) Ginto at pilak
- b) Natural gas at karbon
- c) Copper at iron ore
- d) Timber at limestone
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa yamang mineral ng Pakistan?
- a) Natural gas
- b) Petrolyo
- c) Sapphire
- d) Iron
Anong bansa sa Timog Asya ang may maraming uri ng calcium carbonate at gypsum?
- a) India
- b) Nepal
- c) Bangladesh
- d) Sri Lanka
Alin sa mga sumusunod na bansa ang mayaman sa mga batong sapphire/ruby at mga yamang tubig?
- a) Bhutan
- b) Nepal
- c) Sri Lanka
- d) Afghanistan
Sagot:
- b) Tirahan na makatatagal sa malamig na klima
- b) Luwad, kawayan, o pulang ladrilyo
- d) Afghanistan
- c) India
- b) Pakistan
- c) Sri Lanka
- d) Pang-apat
- b) Natural gas at karbon
- c) Sapphire
- b) Nepal
- c) Sri Lanka
No comments:
Post a Comment