-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kababaihan sa Asya sa Aspektong Panrelihiyon


RELIHIYON SA ASYA AT ANG BAHAGING GINAGAMPANAN NG KABABAIHAN

Hilagang Asya: Sa rehiyon na ito, ang mga sinaunang tao ay may mga Diyos na tinatawag na Teriomorphic o may anyong hayop. Kasama sa mga ito ang mga petroglyph na nagpapakita ng mga hayop at mga babaeng shaman na may sungay. Kinikilala rin ang mga Diyosa tulad nina Pinga (Espiritu ng kalupaan), Sedna (Pinuno ng mga Karagatan), at Ayyysyt (Diyosa ng Pagsilang).

Kanlurang Asya: Si Ishtar ang kinikilalang Diyosa ng Pag-ibig sa Mesopotamia.

Silangang Asya: Ang simbolo ng Yin ay nauugnay sa kababaihan (kulay itim), habang ang Yang ay nauugnay sa kalalakihan (kulay puti). Si Amaterasu Omikami ang Diyosa ng Araw sa Japan, na nagbukas sa kaisipang matrilineal sa sinaunang Japan. Ang Taoism ay nagpapanatili ng balanse sa kalikasan na sumisimbolo ng Yin at Yang.

Timog Asya: Ang Nirvana ay tumutukoy sa kalagayan ng pagiging malaya mula sa kawalan ng paghihirap. Sa Hinduismo at Budismo, ang kalagayang Nirvana ay maaaring marating ng babae sa pamamagitan ng reincarnation o muling pagkabuhay.

Timog-Silangang Asya: Sa ilang bansa ng rehiyon, naniniwala ang mga tao na ang ilang kababaihan ay may kakayahang makipag-ugnayan sa mga espiritu.

Ito ang mga pangunahing papel at kontribusyon ng mga kababaihan sa relihiyon sa iba't ibang bahagi ng Asya noong sinaunang panahon.

BACK

No comments:

Post a Comment