-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Ang Mandate of Heaven at Sinocentrism ng Sinaunang China

Sinocentrism/Sinosentrismo

  • Isang paniniwala ng mga sinaunang Tsino na ang kanilang bansa ang sentro ng mundo at ang kanilang lahi ang pinakamataas sa lahat.
  • Zhongguo/Gitnang Kaharian ang tawag ng mga Tsino sa kanilang bansa, na nag-ugat sa kaisipang Sinocentrism.

Emperador at Mandate of Heaven

  • Emperador ang tawag sa pinuno ng sinaunang Tsina, na siyang pinakamataas na antas sa pamunugkulan.
  • Nakabatay ang prinsipyo ng Mandate of Heaven sa pamumuno ng emperador. Tinatawag din siyang Anak ng Langit/Son of Heaven dahil naniniwala ang mga Tsino na nasa kaniya ang basbas ng langit upang pamunuan ang imperyo.
  • Isinasagawa ng mga Tsino ang kowtow o ang pagyuko sa harap ng emperador bilang tanda ng pagkilala sa kapangyarihan.
  • Gayunpaman, maaari mawala sa emperador ang kapangyarihan o basbas ng langit sa pamamagitan ng mga pangyayari sa kapaligiran.

Impluwensya ng Sinocentrism

  • Dahil sa paniniwala ng mga sinaunang Tsino na superior ang kanilang kultura at lahi, ang mga lahing tumanggap ng kanilang sibilisasyon ay itinuturing na sibilisado, samantalang ang mga lahi at lupaing hindi tumanggap ng kanilang kultura at paniniwala at hindi namuhay ng tulad nila ay itinuturing na barbaro.

Mga Kaisipang Umiral sa Tsina sa Panahon ng Mga Nag-aalitang Estado

Confucius

  • Malaki ang ginampanan ni Confucius sa maayos na pamahalaan ng mga Tsino. Ang kanyang ideya at teorya ay nagbigay sa lipunan ng maayos na pamahalaan.
  • Naniniwala siya na maibabalik lamang ang maayos na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatag ng limang maayos na relasyon:
    1. Relasyon sa pagitan ng namumuno
    2. Relasyon sa pagitan ng nasasakupan
    3. Relasyon sa pagitan ng ama at anak
    4. Relasyon sa pagitan ng mag-asawa
    5. Relasyon sa pagitan ng nakakatandang kapatid

Sentralisadong Pamahalaan

  • Nang mamatay si Shih Huang-Ti, agarang pinuksa ni Liu Pang ang mga katunggali sa kapangyarihan at itinatag ang sentralisadong pamahalaan. Di tulad ni Shih Huang-Ti, iniwasan ni Liu Pang ang mga Legalista dahil gusto niya makuha ang simpatya ng tao.
  • Mga nagawa ni Liu Pang:
    • Pinagawa ang mga kanal at dike
    • Pinagpatuloy ang pagpapagawa ng Great Wall of China
    • Binabaan ang buwis
    • Pinagaan ang mga mahihigpit na kaparusahan

Pilosopiya ng mga Legalista

  • Ang Dinastiyang Chin ang unang gumamit ng kaisipang legalista, na taliwas sa kaisipan ni Confucius. Naniniwala ang mga legalista sa pamahalaang awtokratiko.
  • Si Shih Huang-Ti ay isa sa mga emperador na gumamit ng kaisipang ito sa kanyang pamumuno, mula sa gabay ng kanyang punong ministro na isang legalista na si Li Si.
  • Sa ilalim ng pamumuno ni Shih Huang-Ti, nagawa niya ang mga sumusunod:
    • Ipinagawa niya ang Imperial Highway
    • Pinapatay niya ang daan-daang iskolar na Confucian at ipinasunog ang mga aklat
    • Ipinagawa niya ang bantog na Great Wall of China

Martial Emperor

  • Nang mamatay si Liu Pang, pumalit ang kanyang apo na si Wu Ti. Napaalis niya ang mga Nomads na nais manakop, pinagpatuloy niya ang sentralisadong pamahalaan, at pinalawak ang imperyo.
  • Sa kabila ng maayos at matiwasay na pamumuhay ng mga Han, di pa rin nawala ang isyu sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
  • Isa sa mga naging problema sa mga Han ay ang paghahati ng mana. Ayon sa tradisyon ng mga Tsino, hahatiin ang mga lupain sa mga lalaking anak, na nagdulot ng paghihirap sa mga magsasaka dahil paliit ng paliit ang hatian sa kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment