-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Divine Origin: Ang “Diyosa ng Araw” ng Japan

 Ang Kultura ng Japan at Impluwensya ng Tsina

  • Malaki man ang impluwensya ng Tsina sa kultura ng Japan, may sariling paniniwala at kaisipang pinagbatayan ang mga sinaunang Hapones ukol sa pinagmulan ng kapangyarihan ng kanilang mga emperador.

Kojiki: Records of Ancient Matters

  • Ayon sa Kojiki (Records of Ancient Matters), isinulat noong 712 C.E., ang kapuluan ng Japan ay nabuo dahil sa pagmamahalan nina Izanagi at Izanami.
  • Paglipas ng ilang buwan, isinilang ni Izanami si Amaterasu, ang Diyosa ng Araw.
  • Ipinadala ni Amaterasu ang kaniyang apo na si Ninigi sa pulo ng Kyushu upang doon mamuhay.
  • Ang kaapo-apohan naman ni Ninigi na si Jimmu ang naging kauna-unahang emperador ng Japan noong 660 B.C.E.

Impluwensya ng Divine Origin

  • Simula noon, tanging sa lahi lamang ni Amaterasu dapat magmula ang emperador ng Japan.
  • Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi naniniwala ang Japan sa Mandate of Heaven; dahil dito, hindi maaaring palitan ang kanilang emperador o tanggalin sa katungkulan.
  • Sa kasalukuyan, hindi na tinuturing na diyos ang kanilang emperador ngunit lubos pa din ang paggalang nila dito.
  • Nanatili ang emperador ng Japan bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapones hanggang sa kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment