Impluwensya ng Kulturang Tsino sa Korea
- Katulad ng
Japan, malaking impluwensya rin ang kulturang Tsino sa sibilisasyong nabuo
sa sinaunang Korea.
- Naniniwala ang
mga sinaunang Korean sa Divine Origin bilang kaisipang pinagbatayan sa
pinagmulan ng kapangyarihan ng kanilang pinakaunang hari.
Mito ng Pinagmulan ng Korea
- Nakasaad sa
mito ang pagiging banal ng pinakaunang hari ng Korea.
- Ayon sa alamat,
si Tangun Wanggeom ang nagtatag ng unang kaharian sa Korea.
- Noong unang
panahon, si Prinsipe Hwanung, Anak ng Diyos ng kalangitan na si Hwanin,
ay nagnais na bumaba mula langit at nanirahan sa daigdig ng mga tao.
- Nang malaman
ang ninanais ng anak, naghanap si Hwanin ng mataas na kabundukan at
natagpuan ang Mount T’aebaek na nagsilbing panirahan ng nasabing
prinsipe.
- Nang
makapanirahan na sa lupa, itinatag niya ang Lungsod ng Diyos.
- Tinuruan niya
ang mga nasasakupan ng kaalaman sa agrikultura, paghahabi, at
pagkakarpintero.
- Bumuo din siya
ng mga batas upang maging gabay sa pagtukoy ng mabuti at masama.
- Siya ay
sinasabing nakapag-asawa ng isang oso na naging isang magandang babae.
- Sila ay
nagkaanak at pinangalanan itong Tangun Wanggeom na nagtatag ng
kaharian ng Gojoseon.
- Namuno siya
rito sa loob ng 1500 taon.
Impluwensya ng Divine Origin sa Kasalukuyang Kaisipan
- Ang mga
paniniwalang ito ay may malaking ambag sa kasalukuyang kaisipan natin,
lalo na sa mga bansang Tsina at Hapon.
- Ang kaisipan ni
Confucius ay lalong nagbuklod sa mga pamilya na siyang naging
batayan sa pagkakaroon ng isang maayos na pamilya.
- Ang Divine
Origin ng mga Hapones ay nagbigay sa kanila ng di-matatawarang
paniniwala sa kanilang lakas at kapangyarihan ng kanilang lahi.
No comments:
Post a Comment