-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

REVIEWER: KABIHASNANG SUMERIAN

Heograpiya:

  • Ang Mesopotamia, o "lupain sa pagitan ng dalawang ilog," ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnan sa daigdig.
  • Ang dalawang ilog na bumabaybay dito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates.
  • Kilala rin ito bilang Fertile Crescent dahil sa hugis buwan at matabang lupaing nakapalibot dito.
  • Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa malaking bahagi ng Iraq.
  • Ang pagbaha ng mga ilog ay nagdulot ng maayos na sistema ng irigasyon na nakatulong sa pagsasaka.

Pamahalaan at Relihiyon:

  • Teokrasya o theocracy ang uri ng pamahalaan sa Sumer; ang pinuno ng pamahalaan ay siya ring pinuno ng simbahan.
  • Itinuturing na sugo ng Diyos ang mga hari.
  • Ang mga Sumerians ay polytheist o sumasamba sa maraming diyos.
  • Ang mga pari ang nangunguna sa mga seremonyang panrelihiyon sa mga ziggurat.
  • Ang ziggurat ay mga templong tore na nagsisilbing tahanan ng patron o diyos ng isang lungsod.
  • Naniniwala sila na ang hindi pagsamba, pagpapasalamat, at pag-aalay sa mga diyos ay maaaring magdulot ng panganib, sakuna, at kalamidad.

Lipunan at Kultura:

  • Tatlong antas ng tao sa lipunan: maharlika (mga pari at opisyal ng pamahalaan), mga mangangalakal at artisan, at mga magsasaka at alipin.
  • Ang mga kababaihang Sumerian ay may karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan, at maging testigo sa paglilitis.
  • Mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon; nagpatayo ng unang paaralan o edubba kung saan itinuturo ang kasaysayan, matematika, kartograpiya, batas, medisina, astrolohiya.
  • Ang mga eskriba ang tagapag-ingat ng record ng pamahalaan.

Ekonomiya:

  • Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay; gumagamit ng hayop at araro sa pagbubungkal ng lupa.
  • Nag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka, kambing, at tupa na pinagkukunan ng pagkain at tela.
  • Gumagawa ng mga dam at dike upang maiwasan ang pagbaha at mga kanal pang-irigasyon.

Mga Ambag sa Kabihasnan:

  • Cuneiform: Ang pinakaunang uri ng pagsulat, na binubuo ng higit sa 500 pictograph at simbolo na nakasulat sa tabletang luwad gamit ang stylus.
  • Ziggurat: Ang templong tore na katulad ng piramide.
  • Gulong: Ginagamit sa pagdala ng kalakal sa ibang pook.
  • Cacao: Ginamit bilang unang pambayad sa kalakal.
  • Algebra: Prinsipyo ng matematika na ginagamit sa pagbibilang na nakabatay sa 60, pahahati o fraction, at square root.
  • Kalendaryong Lunar: May 12 buwan.
  • Dome, Vault, Rampa, at Ziggurat: Mga disenyong pang-arkitektura at pang-inhinyero na ginagamit sa mga templo ng Sumer.
  • Sistema ng Panukat: Unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang o haba.
  • Organisadong Pagtatayo ng Dike: Unang nagtatag ng organisadong paraan ng pagtatayo ng dike.
  • Hayop sa Pag-aararo: Unang gumamit ng hayop sa pag-aararo sa bukid.

Sanhi ng Pag-unlad:

  • Mga imbensyon sa pagpapaunlad ng pagsasaka, kalakalan, at iba pang industriya.
  • Paggawa ng mga dam at dike upang maiwasan ang pagbaha at mga kanal pang-irigasyon.
  • Pagtatag ng organisadong pamahalaan.

Dahilan ng Pagbagsak:

  • Madalas na labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Sumer.

 BACK

No comments:

Post a Comment