-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Kontribusyon ng Sinaunang Lipunan at Komunidad ng Timog Asya

Mga Pangunahing Kontribusyon at Ambag

1. Sewerage System at Urban Planning

  • Mohenjo-Daro: May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.

2. Arthasastra

  • Ekonomiya at Pamahalaan: Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng imperyong Maurya.

3. Ayurveda

  • Medisina: Ang Ayurveda o Agham ng Buhay ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong "Agham ng Buhay" sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa karamdaman.

4. Epikong Panitikan

  • Mahabharata at Ramayana: May dalawang epikong pamana ang India sa larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilya na magkakamag-anak. Ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.

5. Taj Mahal

  • Arkitektura: Matibay na moog at mas matibay na pagmamahal ang nakita kay Shah Jehan ng ipatayo niya ang Taj Mahal, na isang mauseleo para sa pinakamamahal niyang si Mumtaz. Yari ito sa puting marmol na may apat na tore. Umabot sa 20 taon bago matapos ang libingang ito na may 20,000 manggagawa.

6. Sistemang Caste

  • Lipunan: Sa Lipunang Hindu, tinatawag ang pagpapangkat-pangkat ng tao na Sistemang Caste. May takdang gawain ang bawat isa sa apat na Caste: ang Brahmin, Ksatriya, Vaishya, at Shudra.

Mga Teknolohikal at Siyentipikong Kontribusyon

7. Iba Pang Kontribusyon

  • Agham at Matematika: Kabilang din sa mga kaalamang naipagmamalaki ng mga taga-India ang matematika, algebra, agham, chemistry, at ang pagtuklas ng alcohol at sulfuric acid na mula sa mga karatig na lugar sa India.
  • Sistema ng Decimal at Konsepto ng Zero: Ipinakilala nila ang sistemang decimal at konsepto ng zero.
  • Pamantayan ng Bigat at Sukat: Nagkaroon sila ng pamantayan ng bigat at sukat.
  • Paggamot at Pagbubunot ng Ngipin: Sila ang unang nagpasimula ng paggamot at pagbubunot ng ngipin.
  • Halaga ng Pi (3.1416): Natuklasan nila ang halaga ng pi (3.1416).
  • Pinagmulan ng Relihiyon: Ang Timog Asya ang pinagmulan ng maraming relihiyon tulad ng Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism.

No comments:

Post a Comment