- Sewerage System
at Urban Planning
- May sewerage
system ang Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus ay
kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag
na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa
matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.
- Arthasastra
- Isinulat ni
Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang
akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay
tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng imperyong Maurya.
- Ayurveda
- Ang Ayurveda o
Agham ng Buhay ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang
India. Tinawag itong “Agham ng Buhay” sapagkat binigyang-tuon nito ang
pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa karamdaman.
- Epikong
Panitikan
- May dalawang
epikong pamana ang India sa larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay
isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilya na
magkakamag-anak. Ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan.
Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang
kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.
- Taj Mahal
- Matibay na
moog at mas matibay na pagmamahal ang nakita kay Shah Jehan ng ipatayo
niya ang Taj Mahal, na isang mauseleo para sa pinakamamahal niyang si
Mumtaz. Yari ito sa puting marmol na may apat na torre. Umabot sa 20 taon
bago matapos ang libingang ito na may 20,000 manggagawa.
- Sistemang Caste
- Sa Lipunang
Hindu, tinatawag ang pagpapangkat-pangkat ng tao na Sistemang Caste. May
takdang gawain ang bawat isa sa apat na Caste, ang Brahmin, Ksatriya,
Vaishya, Shudra.
- Kaalamang
Pang-agham at Pangmatematika
- Kabilang din
sa mga kaalamang naipagmamalaki ng mga taga-India ang Matematika,
Algebra, Agham, Chemistry at ang pagtuklas ng alcohol at sulfuric acid na
mula sa mga karatig na lugar sa India.
- Sistemang
Decimal at Konsepto ng Zero
- Ipinakilala
nila ang sistemang decimal at konsepto ng zero.
- Pamantayan ng
Bigat at Sukat
- Nagkaroon sila
ng pamantayan ng bigat at sukat.
- Paggamot at
Pagbubunot ng Ngipin
- Sila ang unang
nagpasimula ng paggamot at pagbubunot ng ngipin.
- Halaga ng Pi
(3.1416)
- Natuklasan
nila ang halaga ng pi (3.1416).
- Pinagmulan ng
Relihiyon
- Ang Timog Asya
ang pinagmulan ng maraming relihiyon tulad ng Hinduism, Buddhism,
Jainism, at Sikhism.
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.
Reviewer: KONTRIBUSYON NG SINAUNANG LIPUNAN AT KOMUNIDAD NG SILANGANG ASYA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment