-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Mga Suliranin Pangkapaligiran

 

Reviewer: Mga Suliranin Pangkapaligiran

1. Desertification

  • Paglalarawan: Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na nagiging disyerto sa kalaunan, humahantong sa pagkawala ng kapakinabangan ng lupa.
  • Mga Bansang Apektado: China, Jordan, Iraq, Lebanon, Syria, Yemen.
  • Sanhi: Labis na pagpapastol ng mga hayop na kumakain ng damo.

2. Salinization

  • Paglalarawan: Paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa dahil sa maling irigasyon, bumababa ang tubig tabang at napapalitan ng tubig alat.
  • Bansang Apektado: Bangladesh.

3. Siltation

  • Paglalarawan: Pagdagdag ng deposito ng banlik dala ng agos ng tubig, nagdudulot ng pagbabaw ng ilog at lawa.
  • Sanhi: Labis na pagputol ng mga puno sa kagubatan at kabundukan.
  • Bansang Apektado: Cambodia (Tonle).

4. Deforestation

  • Paglalarawan: Pagkaubos at pagkawala ng mga punong kahoy sa gubat.
  • Mga Bansang Apektado: Pilipinas, Bangladesh, Indonesia, Pakistan.
  • Sanhi: Walang habas na pagputol ng puno.
  • Epekto: Nasisira ang tirahan ng mga hayop, nababawasan ang mga hinterlands.

5. Global Climate Change

  • Paglalarawan: Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima, kabilang ang pagtaas ng katamtamang temperatura o global warming.
  • Sanhi: Likas na pagbabago sa daigdig at mga gawain ng tao, tulad ng labis na polusyon.

6. Red Tide

  • Paglalarawan: Paglaki ng mikrobyong dinoflagellates sa ibabaw ng dagat, nagiging kulay pula kapag nasisinagan ng araw.
  • Sanhi: Labis na nutrients na itinatapon sa dagat.

7. Solid Waste

  • Paglalarawan: Malaking suliranin ang solid waste o mga basura na hindi itinatapon sa tamang tapunan, inaanod sa mga kanal at napupunta sa mga ilog at dagat.
  • Epekto: Pagbaha sa mabababang lugar, pagdumi ng tubig, pagkamatay ng mga lamang dagat tulad ng balyena na nagkakamali ng pagkain sa mga plastic na nakalutang sa dagat.
  • Bansang Apektado: Pilipinas, iba't ibang bansa sa Asya at daigdig.

8. Ozone Layer

  • Paglalarawan: Suson sa ibabaw ng mundo na naglalaman ng iba’t ibang konsentrasyon ng ozone na nagproprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation bunga ng ultra violet ray.

No comments:

Post a Comment