Mga Aryan sa India
- Nilisan ng
mga Aryan ang kanilang tirahan sa Siberia at rehiyong steppe upang
manirahan sa India.
- Nanirahan
sila sa ilog lambak ng Indus kasama ang mga Dravidians, na may maitim na
balat, samantalang ang mga Aryan ay matatangkad at mapusyaw ang balat.
- Nagtatag
sila ng bagong sistemang politikal at panlipunan.
Paniniwala at Relihiyon
- Aryan: Mananampalataya sa mga diyos ng
kalikasan tulad ni Indra (diyos ng kidlat) at ni Agni (diyos ng apoy).
- Dravidians: Nananalig sa mga diyos na
nagbibigay liwanag sa buhay tulad ni Shiva.
- Pinagsanib
na paniniwala ng Aryan at Dravidians ang nagbunga ng Hinduismo.
Sistemang Caste
- May apat
na pangkat:
- Bhramin - Pari
- Kshatriyas - Mandirigma
- Vaishya - Magsasaka
- Sudras - Alipin
- May isa
pang pangkat na tinatawag na “untouchables”
o outcast.
- Mahigpit
na sistema ng pagkakahati ng lipunan na nagdidikta sa pag-aasawa,
hanapbuhay, at seremonya sa pananampalataya.
Karma at Reincarnation
- Samsara: Simbolo ng "Gulong ng
Buhay," sumisimbolo sa siklo ng pagkapanganak, buhay, at kamatayan.
- Karma: Ang "kilos o asal" na
nagdudulot ng mabuti o masama batay sa ginawa ng isang tao.
No comments:
Post a Comment