-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Sibilisasyon at Imperyo sa India

Mga Aryan sa India

  • Nilisan ng mga Aryan ang kanilang tirahan sa Siberia at rehiyong steppe upang manirahan sa India.
  • Nanirahan sila sa ilog lambak ng Indus kasama ang mga Dravidians, na may maitim na balat, samantalang ang mga Aryan ay matatangkad at mapusyaw ang balat.
  • Nagtatag sila ng bagong sistemang politikal at panlipunan.

Paniniwala at Relihiyon

  • Aryan: Mananampalataya sa mga diyos ng kalikasan tulad ni Indra (diyos ng kidlat) at ni Agni (diyos ng apoy).
  • Dravidians: Nananalig sa mga diyos na nagbibigay liwanag sa buhay tulad ni Shiva.
  • Pinagsanib na paniniwala ng Aryan at Dravidians ang nagbunga ng Hinduismo.

Sistemang Caste

  • May apat na pangkat:
    1. Bhramin - Pari
    2. Kshatriyas - Mandirigma
    3. Vaishya - Magsasaka
    4. Sudras - Alipin
  • May isa pang pangkat na tinatawag na “untouchables” o outcast.
  • Mahigpit na sistema ng pagkakahati ng lipunan na nagdidikta sa pag-aasawa, hanapbuhay, at seremonya sa pananampalataya.

Karma at Reincarnation

  • Samsara: Simbolo ng "Gulong ng Buhay," sumisimbolo sa siklo ng pagkapanganak, buhay, at kamatayan.
  • Karma: Ang "kilos o asal" na nagdudulot ng mabuti o masama batay sa ginawa ng isang tao.

No comments:

Post a Comment