-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

Reviewer: Kalagayang Legal at Tradisyon ng mga Kababaihan


Kanlurang Asya

  1. Sa Sumeria noong 3000 B.C.E., mataas ang katayuan ng kababaihan dahil sa kanilang pagpapahalaga sa mga diyos. Sa Babylonia, ipinapadala ang mga anak na babae ng mayayamang pamilya sa templo upang maging high priestess. Nang dumating ang Islam, itinakda ang kalagayan ng kababaihan sa lipunan, kabilang ang polygamy at purdah.

Silangang Asya 2. Sa China, mababa ang katayuan ng kababaihan. Ang mga anak na babae ay hindi pinag-aaral at hindi nagmamay-ari ng ari-arian. Ang footbinding ay isang tradisyonal na pagbebenda ng paa upang mapanatili ang maliit na sukat nito.

  1. Sa Japan, pantay ang karapatan ng babae at lalaki sa panahon ng Piyudalismo, ngunit bumaba ang pagtangi sa kababaihan dulot ng impluwensya ng Confucianism. Ang mga babae ay inaasahang sumunod sa kanilang mga asawa at manatili sa tahanan.
  2. Sa Korea, noong panahon ng Dinastiyang Yi, mayroong tinatawag na Kisaeng na nagbibigay aliw sa mga lalaki sa pamamagitan ng sayaw, awit, at tugtog.

India 5. Sa sinaunang lipunan ng India, may pantay na karapatan ang babae at lalaki. Subalit, may mga hindi tamang pagtrato sa kababaihan, kabilang ang pagiging katulong at alipin. Ang

"suttee" o sati ay isang tradisyong kung saan ang nabiyudang babae ay sumusunog ng buhay kasama ang kaniyang namayapang asawa.

  1. Ang pagkakaroon ng anak na babae ay minsang itinuturing na kahihiyan, na maaaring magdulot ng female infanticide o pagpatay sa sanggol na babae.

Timog-Silangang Asya 7. Sa Pilipinas bago maging kolonya, may pantay na pagpapahalaga sa lalaki at babae. Sa panahon ng Espanyol, iginagalang at ikinararangal ang mga kababaihan.

  1. Ang mga kababaihan sa tribo ng Kayan sa Myanmar ay sumusuot ng metal na bigkis sa leeg bilang proteksyon at kagandahan.

No comments:

Post a Comment