-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

REVIEWER: MGA ANYONG TUBIG SA ASYA (Grade 7)

MGA KARAGATAN AT DAGAT   

Kahalagahan:

Likas na depensa: Natural na proteksyon laban sa mga kaaway.

Rutang pangkalakalan: Mga daanan ng kalakalan at transportasyon.

Paggalugad: Pagtuklas ng bagong lugar at yaman.

Pinagkukunan ng yaman: Yamang dagat (isda, perlas) at yamang mineral (langis, natural gas).

Mga Katangian:


Karagatan:

Malawak na katawang tubig na nakapaligid sa mga lupain.

Halimbawa: Karagatang Pasipiko, Karagatang Indian.


Dagat:

Maalat na katubigan na mas maliit kaysa karagatan.

May hangganan sa lupa o nakapaloob sa isang lupain.

Halimbawa: Dagat Timog Tsina, Dagat Silangan.


Mga Ilog

Kahalagahan:

Sentro ng sinaunang kabihasnan.

Patuloy na nagbibigay ng kapakinabangan sa tao.

Mga Pangunahing Ilog:

Tigris at Euphrates: Sentro ng Mesopotamia, isa sa mga unang kabihasnan sa daigdig.

Indus: Lugar ng sinaunang sibilisasyon ng India.

Huang Ho (Yellow River): Duyan ng sinaunang kabihasnan ng Tsina.

Ilog Ganges: Sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi, India.

Brahmaputra, Yangtze, Amur, Jordan, Chao Phraya, Mekong, Irrawady, at Salween: Mahahalagang ilog na may malaking papel sa agrikultura, kalakalan, at kultura ng mga rehiyon.


Mga Lawa

Katangi-tanging Lawa sa Asya:

Caspian Sea: Pinakamalaking lawa sa mundo.

Lake Baikal: Pinakamalalim na lawa sa mundo.

Dead Sea: Pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa mundo.

Aral Sea: Pinakamalaking lawa sa Asya.

Kahalagahan:

Nakapagdulot ng paghubog sa pamumuhay ng mga naninirahan sa paligid nito.

Mga lawa ay mahalaga sa ekonomiya, kultura, at ekolohiya ng rehiyon.


BACK

No comments:

Post a Comment