Mga salik ng produksyon
- Lupa – tumutukoy sa mga yamang likas o kaloob ng kalikasan kabilang ang mga lupaing agrikultural at industriyal.
- Paggawa – ito ay nangangahulugan ng oras na ginugugol ng tao sa produksyon. Binubuo nito ang lakas-paggawa ng isang bansa.
- Kapital – tumutukoy sa mga bagay na nilikha ng tao na ginagamit sa proseso ng produksyon tulad ng makinarya at iba pang mga kagamitan at imprastruktura.
- Entreprenyur – isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.