-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

MGA BAHAGI NG WEB BROWSER


1. MGA BAHAGI NG WEB BROWSER 


Ang Web Browser ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi. Bawat isa ay may sariling gawain. Lubos na makakatulong kung alam nating gamitin ang iba’t- ibang bahagi ng isang web browser. 


BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER 


A. Browser Window Buttons
I-click ang minimize button kung nais itago ang browser window nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung nais baguhin ang sukat ng window, I-click ang close button kung nais isara ang browser window 


B. Tab Name
Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. Kung nais isara ang tab, i-click lamang ang X button sa gilid ng tab. 


C. Navigation Buttons
I-click ang ang back buttons para bumalik sa webpages na naunang binisita; I-click ang forward button kung nais balikan ang webpages na pinakahuling binisita; o i- click ang reload button kung nais na muling i-update ang website sa browser. 


D. New tab
I-click ang New tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring magbukas ng bagong website. 


E. Customize and Control Google Chrome
Dito makikita ang iba’t-ibang options at commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser. 


F. Bookmark this page-
I-click itong hugis-bituin na button para i-save ang address ng websites. Sa ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod na kailangan itong buksan muli. 


G. Address Bar
Maaaring i-type dito ang address ng isang website na gustong tingnan. Ang website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website. Isang halimbawa ng website address ay www.google.com. Kung ito ay i-type mo sa address bar at pindutin ang Enter key,makakarating ka sa Home Page ng website na iyon. 


H. Display Window
Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website.