Aklasang Bayan sa Edsa
Tumutukoy ang Aklasang Bayan sa EDSA, na kilala rin bilang EDSA People Power, sa mapayapang pag-aaklas ng laksa-laksang Filipino laban sa mapaniil na diktadura ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Naging titis sa pag-aaklas ang kudeta nina Hen. Fidel V. Ramos, na ikalawang hepe de estado mayor, at Juan Ponce Enrile, na kalihim ng Tanggulang Pambansa—na sinuportahan ng panawagan ni Jaime Cardinal Sin sa taumbayan na pigilin ang napipintong madugong bakbakan ng mga sundalo doon sa Camp Crame at Camp Aguinaldo na malapit sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Nagsimula ang pag-aaklas noong gabi ng 21 Pebrero 1986 at nagwakas noong 25 Pebrero 1986 nang sapilitang isakay sa eroplano ng Amerikano ang pamilyang Marcos—bitbit ang daan-daang papeles, alahas, kagamitan, at di-mabilang na salapi—at idestiyero sa Hawai'i.
Anibogan Massacre Site ay matatagpuan sa Catigbian, Bohol, na may layong 73 kilometro sa Lungsod Tagbilaran. Makikita sa pook na ito ang isang palatandaan, na inaalay sa mga Filipino, na nagpakita at nagbuwis ng kanilang buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Blood Compact Site na matatagpuan sa Barangay Bool, lalawigan ng Bohol, ay isang palatandaan ng saktong lugar kung saan naganap ang pag-iisang dugo nina Datu Sikatuna, na hari ng mga Boholano at Don Miguel de Legazpi, na kinatawan ng Hari ng Espanya. Ang Blood Compact sa pagitan nina Sikatuna at Legazpi ay naganap noong 16 Marso 1565, na kinilala bilang unang pagkakaibigan ng lahing puti at mga kayumanggi.
Chinatown ay ang sentro ng buhay at anumang may tatak Tsino sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Binondo, Maynila.
Corregidor ay isla na matatagpuan bago pumasok sa Manila Bay. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ang naging punong himpilan ni Hen. Douglas MacArthur ng Estados Unidos na katuwang ang hukbong sandatahang Filipino at ang mga alyadong bansa. Matatagpuan dito ang Malinta Tunnel.
Sanggunian
Dagohoy Marker na matatagpuan sa Magtangtang, Danao, ay ang dating punong himpilan ni Francisco Dagohoy, noong panahon ng mga Espanyol sa Filipinas. Pinatayo ang palatandaan ito ng Philippine Historical Commission, bilang pagkilala kay Dagohoy at kaniyang mga kasamahan, na nakipaglaban sa mga mananakop, na tumagal ng 84 taon.
Dambana ni Rizal ay matatagpuan sa loob ng Fort Santiago, Maynila. Dito makikita ang estatwa ni Jose Rizal na nakaupo habang nagsusulat ng kaniyang tulang Mi Ultimo Adios. Matatagpuan din dito ang ilang libro, manuskrito, at obra ni Rizal.
EBJ Freedom Park ay matatagpuan sa harap ng kapitolyo ng lalawigan ng Antique, sa San Jose. Ipinatayo ang pasyalang ito, bilang pagkilala kay Gov. Evelio B. Javier, na pinatay noong 11 Pebrero 1986, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa demokrasya noong panahon ng Batas Militar sa Filipinas.
EDSA Shrine (Our Lady of Peace Quasi-Parish) ay matatagpuan sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Isa itong maliit na simbahang itinayo bilang tanda ng naganap na mapayapang aklasang bayan (People Power Revolution) noong 1986, na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pook na kinatitirikan ng nasabing dambana naganap ang pagtitipon-tipon ng iba't ibang samahang iba't iba ang uri at ideolohiya, na pawang kumilos upang iligtas ang nagkudetang pangkat nina Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Sandatahang si Juan Ponce Enrile.
Makikita sa EDSA Shrine ang malaking bronse ng estatwa ni Birheng Maria. Noong 2001, naganap ang EDSA Dos (People Power II), na nagpatalsik sa dating Pangulong Joseph Estrada, dulot ng kudeta ng militar at pakikisangkot ng mga puwersang makagitna. Ilang beses mauulit ang pagtatangka para sa EDSA Tres at EDSA Kuwartro, ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis na sinupil ng sandatahang lakas na naging matapat sa administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.
Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon).
Intramuros ay ang pinakamatandang distrito sa Maynila. Itinayo ito ng mga Espanyol bilang proteksiyon sa mga katutubong Muslim at Tagalog, noong panahon ng pananakop ng Espanyol. Ang pangalan nito ay hinango sa wikang Latin na intra muros (“Within the Walls”), na ang ibig sabihin ay lungsod na naliligid ng mga pader. Inilalarawan din nito ang matataas at makakapal na pader at ang kanal sa paligid nito.
Kalakhang Maynila ay ang kabisera ng Pilipinas, na ang opisyal na pangalan ay Pambansang Punong Rehiyon (National Capital Region) (NCR). Ang Kalakhang Maynila ay may isang bayan at 16 na lungsod, at nahahati sa apat na distrito. Nasa hilaga ng kalakhang Maynila ang Bulakan, ang Rizal sa silangan, ang Cavite at Laguna sa timog.
Dambana ni Kalantiaw ay matatagpuan sa Batan, Aklan. Ipinatayo ito ng Philippine Historical ang Cultural Society, noong 1957, bilang alala kay Rajah Bendahara Kalantiaw, na gumawa ng Kodigo ni Kalantiaw. Sa loob ng dambana, makikita ang orihinal na manuskrito ng kodigo.
Lungsod Kalookan
Kampo Berde
Lungsod Las PiƱas
Lawa Laguna
Luneta
Lungsod Makati
Lungsod Malabon
Lungsod Mandaluyong
Lungsod Marikina
Mendiola Masaker
Lungsod Muntinlupa
Lungsod Navotas
Palasyo ng MalacaƱang
Parola ng Cape Bojeador
Lungsod Pasay
Lungsod Pasig
Pateros
Payatas
Philippine Military Academy
Pres. Carlos P. Garcia Memorial Park
Lungsod Quezon
Quiapo
Lungsod San Juan
San Juanico Bridge
Simbahan ng Barasoain
Sinaunang Panahon ng Pilipinas
Lungsod Taguig
Tondo
Ubujan Marker
Lungsod Valenzuela