-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

REVIEWER: MGA ANYONG LUPA (Grade 7)

 Reviewer: MGA ANYONG LUPA 

Bulubundukin o Hanay ng mga Bundok     Quiz   

Himalayas: Pinakatanyag na bulubundukin sa Asya, may habang umaabot sa 2,415 kilometro.

Hindu Kush: Matatagpuan sa Afghanistan.

Pamir: Matatagpuan sa Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan.

Tien Shan: Matatagpuan sa Hilagang Asya.

Ghats: Matatagpuan sa Timog Asya.

Caucasus: Matatagpuan sa Azerbaijan, Georgia, Russia, at Armenia.

Ural: Matatagpuan sa Kanlurang Asya.

Mga Sistema ng Kabundukan sa Asya

Unang Sistema: Nagsisimula sa hilagang silangang dulo ng Asya malapit sa Bering Strait, tumatahak pahilig patungong Afghanistan at Pakistan.

Ikalawang Sistema: Nagsisimula sa kanlurang bahagi ng Asya, partikular sa Turkey, patungong Iran, at mula sa mga bansang ito ay tumatahak pahalang patungong Himalayas, bababa sa Myanmar at tangway ng Malay.

Pagtatagpo: Ang dalawang sistemang ito ay nagtatagpo sa Afghanistan at Pakistan.

Bundok   Quiz   

Mt. Everest: Pinakamataas na bundok sa buong mundo, may taas na halos 8,850 metro.

K2: Pangalawa sa pinakamataas na bundok, may taas na 8,611 metro, matatagpuan sa Pakistan/China.

Mt. Kanchenjunga: Pangatlo sa pinakamataas na bundok, may taas na 8,586 metro, matatagpuan din sa Himalayas.

Bulkan  Quiz   

Pacific Ring of Fire: Nasa humigit-kumulang 300 aktibong bulkan sa Asya.

Mga Kilalang Bulkan: Semeru, Krakatoa (Indonesia), Fuji (Japan), Pinatubo, Taal, at Mayon (Pilipinas).

Talampas   Quiz   

Tibetan Plateau: Pinakamataas na talampas sa buong mundo, tinatawag na “Roof of the World,” may taas na 16,000 talampakan.

Deccan Plateau: Matatagpuan sa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic Plain ng India.

Disyerto   Quiz   

Gobi Desert: Pinakamalaki sa Asya, matatagpuan sa Mongolia at Hilagang China, may sukat na 1,295,000 kilometro kwadrado.

Iba Pang Disyerto: Taklamakan (China), Kara Kum (Turkmenistan), at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia, at India.

Kapuluan o Arkipelago   Quiz   

Indonesia: Pinakamalaking arkipelagikong estado sa buong mundo, binubuo ng humigit-kumulang 13,000 mga pulo.

Iba Pang Kapuluan: Pilipinas at Japan.

Pulo   Quiz   

Sukat ng Pulo sa Asya: Kabuuang sukat na 1,994,300 kilometro kwadrado.

Mga Kilalang Pulo: Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Maldives, Borneo, Java, Sumatra, Hainan, Taiwan, Sakhalin, Kuril, Wrangel, New Siberian, Zemlya, at Severnaya.

Tangway o Peninsula   Quiz 

Sukat ng Tangway sa Asya: Tinatayang 7,770,000 kilometro kwadrado.

Mga Kilalang Tangway: Turkey (kanluran), Arabia, India, Indochina, Malay (katimugan), Korea, Kamchatka, Chukotsk (silangan), Taymyr, Gyda, Yamal (hilaga, bahagi ng Siberia).

Kapatagan   Quiz   

Indo-Gangetic Plain: Isang halimbawa ng malawak na kapatagan sa Asya.

Gamit ng Kapatagan: Binubungkal at sinasaka para sa mga pananim, ginagawang pastulan ang mga damuhan at mga burol.

Kontribusyon sa Pamumuhay: Ang iba't ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng uri ng pamumuhay at kabihasnan ng mga tao.

BACK


No comments:

Post a Comment