-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.
Showing posts with label Mga Pangkat ng Pilipino. Show all posts
Showing posts with label Mga Pangkat ng Pilipino. Show all posts

Mga Pangkat ng Pilipino

Lahing Pilipino
Mga Pangkat ng Pilipino
Ang mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang mamamayan. Pilipino ang tawag sa kanila. Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Iba't iba rin ang tawag sa kanila.
Ang mga Ita ay isa sa mga ninuno. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Karaniyang nainirahan sila sa Luzon. Ito ay sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. May naninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros.
Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Matatagpuan sila sa Mountain Province. Ang mga Ifugao ang nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayan dalawang libong taon na ang nakakaraan.
Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira sila sa bandang hilaga ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Naninirahan sila sa nga lugar na ito upang maghanapbuhay, mangalakal, o mag-asawa. Matitipid at masisipag sila.
Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugan ng Luzon ang mga Tagalog. Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiano sa Pilipinas.
Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila ay may panlabas na anyo at paraan ng pamumuhay na payak at tulad pa rin ng ating mga ninuno.
Iba-iba rin ang pangkat ng Pilipino sa mha pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuano na may pinakamalaking pangkat na nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong awit na "Matud Nila" at sayaw na Rosas Pandan.
Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na Dandansoy at sayaw na CariƱosa.
Mga Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Mindanao. ang ilan sa mga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, Tiboli, at Manobo.
Nakatira sa baybay-dagat ang mga Badjao. Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu. Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay nila.
Ang pangkat ng mga Tiboli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikina-bubuhay nila.
Populasyon ng Bansa
Talagang nag-iiba ang dami ng tao. Populasyon ang tawag sa bilang ng mga tao sa isang lugar. Iba ang populasyon sa lungsod kaysa mga pamayanan sa baryo, bundok, at iba pang lugar. May mga lugar na malaki ang populasyon. May mga lugar din naman na maliit ang populasyon.
Ngunit may maliliit na lugar na napakalaki ng populasyon. Lubhang nagsisiksikan ang mga tao. Magulo tuloy. Isang halimbawa rito ay ang Lungsod ng Maynila. Lubhang napakalaki ng populasyon dito kaya nagkakaroon ng napakaraming suliranin sa tirahan, pagkain, at trapiko.
Tingnan mo ang iba'tibnag pangkat ng populasyon sa isang lugar. May populasyon ng mga bata. May populasyon ng matatanda. May populasyon din ng mga tanong naghahanap-buhay. Iyan ang pagkakaiba ng mga bumubuo ng populasyon. Nagkakaiba pa ang mga ito ayon sa kanilang mga katangian at pangangailangan.
Inaalagaan at umaasa ang populasyon ng mga bata, ilang mga kabataab, at matatanda. Tinutulungan sila sa knailang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Inaasahan naman sa pamilya o lipunan ang mga naghahanap-buhay. Ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng mga may husto nang gulang. Kasama na rin dito ang mga magulang at ang mga nakakatandang mga ate at kuyang nagtatrabaho.
May pagkakaiba pa ang ating populasyon. Tignan ang pagkakaibang ito sa mga larawan sa ibaba. Dalawa ang pangkat nila. Lahat sila'y mga tumutulong sa pagtugon iba't ibang pangangailangan. Mga pagkain ang ibinibigay ng mga magsasaka at mangingisda. Ang mga karpintero ay nakapaglilingkod sa lipunana sa pamamagitan ng paggawa ng bahay at nga kasangkapan. Ginagawa naman ng mga modista at sastre ang mga damit. Mga pangangailangan sa pagkain at damit at iba pang bagay na pangkatawan ang tulong na ibinibigay ng unang pangkat ng populasyon.



Iba naman ang tulong na ikalawang larawan. Naiiba rin ang mga katangian nila. Pinaglilingkuran din nila ang lipunan sa iba pang klase ng pangangailangan. Pinangangalagaan nila ang kaligtasan natin at kapayapaan ng ating mga lugar. Tinutulungan din nila ang ibang mamayan sa pag-aaral at kalusugan.
Mga Pamayanang Pilipino
Iba't iba ang pamayanan ng Pilipino. Nakakaiba ang mga ito ayon sa kanilang kapaligiran. Basahin ang pamayanan ng mga kapatin nating Pilipino.
Maraming mga tao sa pamayanan sa lungsod. Iba-ba ang mga gawain nila. May nagti-tinda at namimili rito. May pumapasok din sa mga opisina at pabrika.
Rounded Rectangular Callout: Ito ang aming pamayanan sa lalawigan. May naninirahan sa amin sa kabundukan, sa bukid, sa burol, at sa lambak. Kaunti lamang ang mga tao rito. maliliit lamang ang bahay namin. Karaniwang yari sa pawid, nipa, at kahoy ang mga ito.


Oval Callout: Kami naman ay naninirahan sa pamayanan sa tabi ng ating mga katubigan. karamihan sa amin ay mga mangingisda at mansisisid. May ilan din sa amin na ang tahanan ay nasa katubigan. Ang iba naman'y naninirahan sa bangka.


Texto mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon
Maikling Pagsasanay:
A. Sabihin kung Tama o Mali ang mga pangungusap:
1. Ang mga Negrito at Ifugao ay mga Pilipino sa Luzon.
2. Maaaring tawaging Ilonggo ang mga Igorot.
3. Mula sa Visayas ang mga Pangasinense.
4. Taga-Mindanao ang mga Manobo at Maranao.
5. Iba't iba ang pangalan ng mga pangkat ng Pilipino
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit maraming suliranin kapag malaki ang populasyon ng isang bansa?
2. Anu-ano ang iba't ibang pangkat ng populasyon? Ilarawan ang bawat pangkat.
3. Bakit iba't iba ang pamayanan ng mga Pilipino?
4. Saan nagkakaiba-iba ang mga pamayanan?
5. Saang pamayanan ang malapit sa ilog ang tahanan?