-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.
Showing posts with label bugtong halimbawa. Show all posts
Showing posts with label bugtong halimbawa. Show all posts

BUGTONG NA MAY LARAWAN AT SAGOT

BUGTONG NA MAY LARAWAN AT SAGOT

Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam

BUGTONG NA MAY LARAWAN AT SAGOT

Mataas kung nakaupo mas mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso

BUGTONG

Sa araw mahimbing ang tulog, sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki

BUGTONG

Munting tiririt may baga sa puwit.
Sagot: Alitaptap 


BUGTONG

Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.
Sagot: Pusa

Bugtong

 Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.
Sagot: Tipaklong

Bugtong

 Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.
Sagot: Bibe

Bugtong

Naghanda ang katulong ko, nauna pang dumulog ang tukso.
Sagot: Langaw

Bugtong

Eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.
Sagot: Alitaptap

Bugtong

Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat?
Sagot: Sungay ng usa