1. Iwas-tingin ka lang. Huwag mong titignan o ipahalatang titinitignan mo rin ang taong nakatingin sa iyo. Baka kasi akala nya interesado ka pag tumingin ka rin sa kanya. Madalas na-mimis-interpret yun na kapag tumingin ka rin e niyaya mo sya na lapitan ka. At isa pa, wag mong hahawakan ang buhok mo na parang na-conscious kang bigla pag tinitignan ka. Dapat cool lang at deadma lang.
2. Mag-busy-busy-han ka. Kunwari ikaw ay sobrang abala at wala kang panahon na makipag-etchingan sa nakatingin sa iyo. Kausapin mo sarili mo sa cellphone o mag-text ka ng mag-text kahit na nilalaro mo lang ang apps or games mo. Pero observe ka lang mabuti kung ikaw ay nilalapitan na. Pag lalapitan ka na, sabay parinig na may kausap ka sa cellphone.
3. Tumawag ka sa cellphone. Nabanggit na sa ikalawa yun. Effective yun kasi bastos na sya pag kakausapin ka e may nauna ka ng kausap sa telepono.
4. Kung ikaw ay biglang kinakausap na, sabihin mo sa magandang paraan na ikaw ay hindi handang makipag-usap o makipag-kilala dahil masama ang pakiramdam mo, sabay hingi ng pasensysa. (Sample:" Ay sorry po ha wala po talaga ako sa mood makipagkilala ngayon, pasensya na po --Note: don't lose your smile although it surely should look sour.)
5. Isalpak mo earphone ng cellphone at kunwaring nakikinig sa musika. Pero naka-mute yun at nakikiramdam ka all the time.
6. Pag feeling mo naha-harass ka na, lumapit ka sa security guard, o makipag-usap ka sa tindera sa mall o sa waiter ng fast food restaurant at sabihing may stalker ka at humihingi ka ng tulong. Or kung may nakita kang pulis, lumapit ka kaagad at mag-mano na kunwari e ninong mo! (Joke!)
Marami pang paraan, actually. Paganahin mo lang utak mo at hanapin si Common Sense, common sense, common sense!
Tandaan: mas marami ang napapahamak dahil sa hindi marunong umiwas. Learn to say NO more often hanggat hindi ka sure sa papasukin mo. Ingat mga ka-babes!