Likas na Yaman sa Pilipinas - Mga Uri

Likas na Likas na Yaman sa Pilipinaslikas na yaman

yaman (Natural Resources)


Ang ating kapaligiran sa ating kalikasan ay nagtataglay ng mga bagay na may malaking halaga. Ito ang mga itinuturing na likas o natural na yaman ng bansa. Halimbawa rito ay ang mga kabundukan, karagatan, kagubatan, mga lawa, ilog at pati na yaong mga mineral na mahuhukay sa ilalim ng mga lupa. Maituturing na ang mga likas na yaman ay ang mga bagay na bigay o likha ng Diyos bilang pamana sa tao.


Likas na Yaman sa Pilipinas
Ang likas na yaman tulad ng mga yamang lupa, lupain o hilaw na materyal ay likas na mga bagay na makikita sa kapaligiran na may mga likas na anyo--ibig sabihin ito ay mga bagay na hindi kayang likhain ng tao. Kadalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema.



Mga Uri ng Likas na Yaman




Yamang Lupa



Sa lupa na ating pinagtataniman ay nakakapag-ani tayo ng mga sari-saring bagay na makakain. Ang lahat ng mga produkto ng agrikultura tulad ng mga palay, gulay, prutas ay hango sa ating mga pananim sa kalupaan na maaring maipakangalakal sa iba. See, Mga Produkto Sa Bawat Rehiyon ng Pilipinas; Mga Anyong Lupa
philippines natural resourcesYamang Lupa










Yamang gubat


Ang halimbawa ng ating yamang lupa ay mismong ang ating mga bundok, kagubatan, talampas, burol, at ang mga lupain sa kapatagan at lambak na lugar. Sa ating mga bundok tayo nakakakuha ng mga troso na gingawang mga tabla at mga plywood na ginagamit sa pagpapatayo ng mga bahay. Ang papel na ating ginagamit sa pag-aaral pati na ang mga libro ay nagmumula sa mga puno na kadalasan ay hinahango sa mga kagubatan. May mga dagta rin sa puno na pinagmumulan ng mga materyales sa paggawa nga mga gulong ng mga sasakyan.
yamang+gubat+kagubatan




Yamang Tubig


yamang+tubig+anyong+tubig+karagatan+pilipinas
Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang 338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa. See, Mga Anyong Tubig;



Yamang Mineral


likas na yaman ng pilipinasyamang lupa
Ang mga mineral sa ilalim ng lupa na minimina natin tulad ng mga ginto sa kabundukan ay malaking bahagi din ng ating mga likas na yaman sa Pilipinas.

♣Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.

♣Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di metalikong mineral




Yamang Tao


Ang mga Pilipinong lumalabas ng bansa upang magtrabaho ay kinikilala sa kanilang mga angking husay at sila rin ay maituturing na yaman ng bansa. Ang paglisan ng ating mga yamang tao ay nagdudulot sa ating bansa ng tinatawag na "brain drain". Ang taglay na potensyal ng mga tao upang mapaunlad ang ating bansa ay nagmumula sa ating maayos na pangangasiwa sa karunungan at interaksyon ng mga tao.
overseas filipino workersyamang tao likas na yaman ng pilipinas
Hangman: Type ka ng kahit anong letter sa loob nung box para sa clue.
Announcements!