Walang paa, walang pakpak, naipamamalita ang lahat.

Munting tiririt, may tumbaga sa puwit.

Heto, heto na, malayo pa'y halakhak na.

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Maikling landasin, di maubos lakarin.

Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig.

Mataas ang paupo kaysa patayo.

Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.

Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Naligo ang kapitan hindi nabasa ang tiyan.

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Nang hatakin ko ang baging nagkagulo ang matsing.

Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Dalawang bangyasan, naghahagaran.

Nagbibigay na, sinasakal pa.

Tubo sa punso, walang buko.

Malaon nang patay hindi maibaon at buhay ang kapitbahay.

Limang puno nang niyog, isa'y matayog.

Iisa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Heto na si Kaka, bubuka.

Dalawang pipit nag-titimbangan sa isang siit.

Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.

Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Tinugtog ko ang bangka nagsilapit ang isda.

Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.

May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.

Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

Dalawa kong kahon buksan walang ugong.

Dalawang balahibuhin masarap pagdaitin.

Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Isang bayabas pito ang butas.

Nagtago si Pedro, labas ang ulo.

Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Maliit na bahay, puno ng mga patay.

May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.

Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Kahoy kong Marigundong, na sangay walang dahon.

Daluyang balon hindi malingon.

Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Bugtong-pala-bugtong, kadenang umuugong.

Bibingka ng hari, hindi mo mahati.

Buhok ni Adan, hindi mabilang.

Hindi hayop hindi hunghang lumuluha ang abutan

nc it soo nice ! i can make it a homework! :)
ReplyDeleteang liit naman,hindi naman marami ang may larawan...
ReplyDeletenakakainis!!!
kung daghan man pud ang picture,balik-balik man sad ang gi bugtong niya....
kayanga walanamang answer ito maliit nabahay,puno ng mga patay alam nyo bayun tulungan nyo naman ako plsssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss................
ReplyDeletewhahahah gling ha..!
ReplyDeleteGLing
ReplyDeletetnx atleast me nkuha aqng larawan kh8 kOnti lng..
ReplyDeletehooo...ang galing, nice one i dont know but i know maiintindihan ko din kasi although meron ng pic syempre iniisip mo pa rin di ba ?
ReplyDeletehay, sana makaisip rin ako ng bugtong ko >_<
ReplyDeleteAAAAAAAAAAAAAAAMAZING....hahaha just kidding...
ReplyDeleteay salamat may project na
ReplyDeletenice i ..like it and i want some more...
ReplyDeletegaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaling gusto ko pa ng mga bugtong!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDelete