Kape at Tsaa
photo credit: www.deliciousfood4u.com |
Kung bago lang ang mantsa sa damit, agad banlawan ang damit sa maligamgam na tubig. At pagkatapos ay buhusan ng kumukulong tubig na may layong 2 to 3 feet mula sa mantsa. Sundan ito ng pagkusot sa tubig na may sabon. Kung mayroon pang naaninag na mantsa, ikula sa araw. Ang mga mantsa ng tsaa sa cotton at linens ay maari rin daw matanggal sa pagbabad sa tubig na may borax ( 1 kutsarang borax sa bawat isang tasang tubig.
Babol gum (chewing gum)
photo credit: http://www.instructables.com |
Kayurin ang babol gum hanggang masagad o mapanipis ito. Kung gagasgasin ng yelo ang babol gum, ito ay titigas at mas madaling maalis sa pagkakapit sa damit, lalo na sa basahan o mabibigat na tela. Pwede ring ibabad ang namantsahang bahagi sa kerosene at saka banlawan sa tubig na may sabon.
Kandila
Sa mga patak ng kandila sa damit, maaring matanggal ang mga mantsa ng madali kung ang buong damit ay ilagay muna sa freezer. Ang mga kandila ay titigas at madaling madudurog. O kaya naman ay plantsahin ang damit na may nakapaloob na mga papel sa damit upang doon lumipat ang natunaw na kandila. (photo credit: 123rf.com)
Nail Polish (kyuteks)
photo credit: http://www.how-to-clean-carpet.com |
Marka ng lapis
Gumamit ng matapang na sabon na pang-washing machine at tunawin ang sabon sa mantsa. Gamitan ng sipilyo kung kinakailangan upang gasgasin ang mantsa ng lapis sa damit. At saka banlawan.
Sneakers na puti
photo credit: http://www.ehow.co.uk |
Kung ang sapatos ay gawa sa tela gaya ng mga Converse na sneakers, maaring pahiran ng toothpaste ang mantsa o dumi at saka pabulain ito sa paggasgas ng tootbrush. Punasah o kayurin ang mga bula. Ulitin muli ang proseso at pagkatapo ay ibilad ang sapatos sa araw. Makikita na magiging mas maputi ang tela ng sapatos. Pati paninilaw ay madaling matakpan. Nakatipid ka na sa oras at sa tubig at mas hahaba pa ang buhay ng iyong mga sneakers dahil hindi agad ito magiging marupok sa kahuhugas.
Kalawang
Pahiran ang apektadong lugar ng pinaghalong kalamansi at tubig. Isang kutsarang kalmansi sa isang kutsarang tubig. Huwag gumamit ng chlorine o zonrox.
Hugasan ang damit sa mainit na mainit na tubig na may bleach. At ibilad mabuti sa araw.
Makeup
Lagyan ng clorox ang mantsa at hugasan sa mainit na tubig na may sabon. Dagdagan pa ng mainit na tubig hanggat maari ang pinagbabaran. Maghintay ng limang minuto at saka banlawan.