Barong Tagalog
by Santiago S. Suarez
Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong Tagalog na sadyang makisig.
Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip
Na ito’y damit ng bansang kay hirap malupig.
Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina.
Sa sariling bayan nati’y alinsangan
Makapal na kayoy hindi kailangan.
Ang barong Tagalog kahit sinamay lang
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang.
Nang maghimagsik itong ating bansa
Dahil sa paglaya
Ang barong Tagalog natin ay dakila
Pagka’t siyang ginamit
Ng bayaning namayapa.
No comments:
Post a Comment