-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

AWITING BAYAN -Sampaguita

Sampaguita

Sampaguita ng aking bayan
Bulaklak na bango ng buhay
Simputi ng sumpang dalisay
Ng pagsintang 'di mamamatay

Ikaw raw ang laging pagsuyo
Ng dalagang minsang mangako
Sa binatang dagling lumayo
ay naghihintay ang dakilang puso.

Sa pagluha pumanaw ang paraluman
Ngunit sa libingan nakita'y halaman
Bulaklak ka'y puti ay tanda ng buhay
Sumpa kita ang waring bulong sa bawat nagdaraan.

Buhat noon pinanganlang Sampaguita
Ang halamang pusong luha ng dalaga
Kaya ang pagsintang hanap ay pag-asa
Laging nagpupunta sa liblib ng tanging Sampaguita

Sa bayan kong mahal ang Sampaguita
Sumpang walang hanggan
Ang pusong tunay na magmahal
ay Sampaguitang 'di mapaparam

No comments:

Post a Comment