-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.

AWITING BAYAN -Maalaala Mo Kaya

Maalaala Mo Kaya
Pilita Corrales

Wag mong sabihing ika'y hamak
kahit na isang mahirap
pagkat ang tangi kong pag-ibig
ganyan ang hinahanap
aanhin ko ang kayamanan
kung ang puso'y salawahan
nais ko'y pag-ibig na tunay
at walang kamatayan
Maalaala mo kaya
ang sumpa mo sa akin
na ang pag-ibig mo ay
sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto
buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
ang doo'y nakatago.
'Di ka kaya magbago
sa iyong pagmamahal
Tunay kaya irog ko
hanggang sa libingan?
O, kay sarap mabuhay
lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
ay di na mapaparam
Tunay kaya irog ko
hanggang sa libingan?
O, kay sarap mabuhay
lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
ay di na mapaparam

No comments:

Post a Comment