May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.
Araw ng mga Puso
Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayan tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito.
Araw ng mga Ina/mga Ama
Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama.
Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.
Linggo ng Pag-iwas sa Sunog
Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo.
Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog.
Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.
Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal
sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga
Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa
Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang
nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.
Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon
Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan.
Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong
ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto
ang Araw ng Lungsod Quezon.
Araw ng mga Guro
Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.