-->
Nothing is more powerful for your future than being a gatherer of good ideas and information. That's called doing your homework.
Showing posts with label Philippine Presidents. Show all posts
Showing posts with label Philippine Presidents. Show all posts

Mga Presidente ng Pilipinas - May Larawan








Pangulo ng Pilipinas










Emilio Aguinaldo 
Emilio Aguinaldo










Unang Pangulo ng Pilipinas
(January 21, 1899 - March 23, 1901)
Presidente ng Pilipinas

Unang Pangulo ng Pilipinas (First President of the Philippines)

Pangulo ng Unang Republika (President of the First Republic) 

Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896.

Was elected as the president of the Republic on January 23, 1899 until April 1, 1901. A very popular general is an advocate of independence of the country and lead many revolutions against Spain which includes the failed revolution of 1896

Para sa karagdagang impormasyon -Wikipedia



Manuel L. Quezon

Ikalawang Pangulo ng Pilipinas (Second President of the Philippines)

Manuel Luis Quezon y Molina
Unang Presidente ng Commonwealth (First President of the Commonwealth)


Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.

Became the second President of the Philippines on November 15, 1936 until August 1, 1944. President Quezon was born in Baler, a province of Tayabas on August 19, 1878. Both of his parents (Lucio Quezon and Maria Dolores Molina) are teachers. During his younger years, he participated in the struggle against Spanish. 

Pumunta sa Wikipedia

Jose P. Laurel

pangulo ng pilipinas jose laurel
Ika-3 Pangulo ng Republika ng Pilipnas.
Nanungkulang pangulo noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945.  Itinalagang siyang pangulo ng mga Hapon na sumakop sa Pilipinas noong ika-dalawang digmaan pandaigdig (WW2).

Ikatlong Pangulo ng Pilipinas (Third President of the Philippines)

José Paciano Laurel y García
Pangulo ng Ikalawang Republika President of the Second Republic


Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika

Jose P Laurel became the president on October 14, 1943 until August 17, 1945. He became the president after the Japanese designated him as the president under their rule. After the war, he was elected as Senator of the Third Republic.

Wikipedia

Sergio Osmena

Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas (Fourth President of the Philippines)

Sergio Osmeña y Suico
Ikalawang Pangulo ng Commonwealth (Second President of the Commonwealth)


Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.

Sergio Osmeña takes over the role of the President of the country upon the death of Quezon. Prior to taking the helm of the Presidency, He was the Vice President of the country in 1935. He accompanied General MacArthur to the Philippines when he returned. He strived to rehabilitate war-torn country during his time.

Manuel Roxas

Ikalimang Pangulo ng Pilipinas (Fifth President of the Philippines)

Manuel Roxas
Manuel Acuña Roxas
Ikatlong Pangulo ng Commonwealth (Third President of the Commonwealth)
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika (First President of the Third Republic)


Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar Exam noong 1912.

Became the president of the Republic on May 28, 1946 to April 15, 1948. He graduated from University of the Philippines with a degree in Law and became the topnotcher in the Bar Exam of 1912.

Para sa karagdagang impormasyon wikipedia


Ikaanim na Pangulo ng Pilipinas (Sixth President of the Philippines)

Elpidio Rivera Quirino
Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika (Second President of the Third Republic)


Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.

He became the president in April 17, 1948 to December 30, 1953 after the unexpected death of Roxas.

Ramon Magsaysay

Ikapitong Presidente ng Pilipinas (Seventh President of the Philippines)

Ramon del Fierro Magsaysay
Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika (Third President of the Third Republic) 


Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na "Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.

He was elected president on December 30, 1953 until March 17, 1957. He was dubbed the "Savior of Democracy" because under his leadership, he successfully diminish the influence of the communist arm Hukbalahap. His tenure suddenly ended after his plane crashed in Cebu in 1957. He died at the age of 49.

Carlos P. Garcia

Ikawalong Pangulo ng Pilipinas (Eight President of the Philippines)

Carlos Polistico Garcia
Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika (Fourth President of the Third Republic)


Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" upang itaguyod ang pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.

He became president on March 18, 1957 - December 30, 1961. He succeeded Magsaysay after his death. President Garcia popularized "Filipino First Policy" in order to evoke economic patriotism.

Diosdado Macapagal

Ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas (Ninth President of the Philippines)

Diosdado Pangan Macapagal
Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika (Fifth President of the Republic)


Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng mga repormang pangsakahan.

Diosdado Macapagal was elected president on December 30, 1961 to December 30, 1965. He was also known as "Poor Boy from Lubao" because he grew up in a poor family. One of his achievement during his term is the implementation of Agricultural Land Reform.

Ferdinand Marcos

Ikasampung Pangulo ng Pilipinas (Tenth President of the Philippines)

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika (Sixth President of the Third Republic)
Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika (First President of the Fourth Republic)


Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.

He became president from December 30, 1965 until February 25, 1986. During his term, he has numerous infrastructure projects in order to encourage economic growth. On September 21, 1972, because of the bombing in Plaza Miranda he declared Martial Law that enables him to hold on to power for more than twenty years. As a "Strongman", he put behind bars those critical to his rule including his political foe, Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Magbasa pa sa wikipedia

Corazon Aquino

Ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas (Eleventh President of the Philippines)

María Corazón Cojuangco-Aquino
Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika


Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang June 30, 1992. Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution".

Corazon Aquino was the first woman president in the country. She served the country on February 25, 1986 until June 30, 1992. She was called "Mother of Democracy" because of her contribution to the restoration of democracy in the Philippines through peaceful revolution.


Fidel V. Ramos

Ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas (Twelfth President of the Philippines)

Fidel Valdez Ramos
Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika (Second President of the Fifth Republic)


Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.

Fidel Ramos officially took the office on June 30, 1992 until June 30, 1998. Under his leadership, the Philippines experience a robust economic growth and improved international standing. Unfortunately, economic progress doesn't last long when the country takes a hit during the 1997 Asian financial crisis.

Joseph E. Estrada

Ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas (Thirteenth President of the Philippines)

Joseph Ejercito Estrada
Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika (Third President of the Fifth Republic)


Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.

Became the president on June 30, 1998 to January 20, 2001. Joseph Estrada also known as "Erap" is a very popular movie actor in the Philippines. His political career started when he was elected Mayor of San Juan, Metro Manila. Because of allegation of corruption, he failed to finish his term and was forced to leave the office in 2001.

Gloria Macapagal Arroyo

Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas (Fourteenth President of the Philippines)

Maria Gloria Macapagal-Arroyo
Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika (Fourth President of the Fifth Republic)


Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.

She took oath of office on January 20, 2001 after Estrada vacated the presidential seat. She is the daughter of late President Diosdado Macapagal. A professor of Economics, she served the government in 1987 as undersecretary of DTI under the Aquino administration. Before she became president, she is also elected Senator (1992 - 1998) and then as vice-president of the country. She left the presidential office on a sour note after countless allegations of corruption marred her tenure.

pumunta sa wikipedia .

Benigno S. Aquino III

Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas (Fifteenth President of the Philippines)

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika (Fifth President of the Fifth Republic)


Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.

Benigno "Noynoy" Aquino is the current President of the Philippines and took oath of office on June 30, 2010. He is the only son of democracy icons Senator Benigno Aquino Jr and President Corazon Aquino. Noynoy Aquino is also popular known as "P-Noy".

Panunumpa ni Pangulong Benigno S. Aquino

Bilang Ika-15 Pangulo ng Pilipinas

Video of Noynoy Aquino inauguration as Philippine president
by RussiaToday | video info