Ano ang Parirala?
Ang Parirala ay bahagi ng pangungusap na walang buong diwa.
Mga Halimbawa ng parirala.
1. sa ibang bansa
2. Mga Pilipinong manggagawa
3. doon sa malayo
4. Ang malinis na bahay
5. Ang matabang bata
6. Ang maingay na mga tao
7. Ang masayang usapan
8. masarap na pagkain
9. makipot na daan
10. mabait na bata
Ano ang Sugnay?
Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong dalawang uri, ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa.
Halimbawa: (naka-highlight sa dilaw = makapag-iisa pag berde = di makapag-iisa)
1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng lamok.
2. Nagluluto na ako ng ulam nang sila ay dumating.
3. Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na akong maglaro sa labas.
4. Si itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot.
5. Ako ay kakain ng gulay upang maging malusog ang aking katawan.
6. Ako ay mag-aaral ng mabuti upang ako ay makatapos ng pag-aaral
7. Si Andy ay pupunta sa Maynila para makita ang akanyang ama.
8. Si Glen ay magsisimba samantalang kami manonood ng sine.
9. Kami ay mamamasyal sa Baguio habang ang tito ang bantay sa bahay namin
10. Si nanay ay maghahada ng litson kung ako ay makakapagtapos ng aking pag-aaral.
Dalawang Uri ng Sugnay
a. Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.
1. Ang ating mga tahanan ay linisan.
2. Nagluluto ako na ako ng ulam.
3. Ang aking takdang araling ay tapos na.
4. Si itay ay nagpunta sa doktor.
5. Ako ay kakain ng gulay.
6. Ako ay mag-aaral ng mabuti.
7 Si Andy ay pupunta sa Maynila.
8. Si Glen ay nagsimba.
9. Kami ay mamamasyalsa Baguio.
10. Si nanay ay maghahada ng litson.
b. Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.
1. upang di pamugaran ng lamok.
2. nang sila ay dumating.
3. kaya pwede na akong maglaro sa labas.
4. upang magpagamot.
5. upang maging malusog ang aking katawan.
6. upang ako ay makatapos ng pag-aaral
7.para makita ang akanyang ama.
8. samantalang kami manonoud ng sine.
9. habang ang tito ang bantay sa bahay namin
10.kung ako ay makakapagtapos ng aking pag-aaral.